Nagtatago sa anino
Hindi mo alam kung sino
Bumubulong sa iyo
Di mo mawari kung sino
( Instrumental )
sumigaw ka lang ng todo
kung ikaw ay natakot
humingi ka ng tulong
sumigaw ka hanggat gusto mo
Refrain:
Wala pa rin akong makita
Saan na ba pupunta?
Hindi matapos na daan
Wala na akong maatrasan
Chorus:
Nangangatog na ang tuhod
Nanunuyo na ang labi
Asan ka ba? Hinahanap ka
Bakit hindi ka Makita?
Kumakatok sa pinto
Hindi mo alam kung sino
Kumakaripas ng takbo
Di alam kung sa tutungo
(refrain)
(chorus)
(instrumental)
hindi ka na makadaan
dumidilim na ang paligid
nangingilabot na balahibo
ikaw ba yan kumakatok
(refrain)
(chorus)
Posted at 10:42 am by indiocyclo
Permalink